id
stringlengths
0
36
text
stringlengths
141
502k
url
stringlengths
22
609
date
stringlengths
0
32
dump
stringclasses
2 values
file_path
stringclasses
42 values
detected_lang
stringclasses
3 values
word_count
int64
18
89.5k
title
stringlengths
0
310
source
stringclasses
11 values
language
stringclasses
6 values
token_count
int64
30
89.5k
content_hash
stringlengths
32
32
crawled_at
stringclasses
129 values
filnet_novels_004719_53a734cd
Ang nakapalit ng ganitong karangalan ay anim na libong piso , na bilang alay ni Carmen sa kapatirang nasabi upang gugulin sa lalong ikaririlag at ilalago ng pananampalatayang kristiano . Ang nangyaring ito at ang mga sumunod pa ay nalalamang lahat ni Eladio , sapagkat sapol ng mapalulong si Carmen sa mga pagmamagandang...
null
null
null
null
null
212
null
filnet_novels
fil
212
a74b2693bdc4e418bdca5fa9a8e04454
null
transcribed_002530_01e007c4
Ang mga kamay ni Dok at Botong , nang malapit lapit na ang tatlo , ay nakita niyang nababalot ng liyabe de mano . Umanyong sisibad sa takbo Bert . Huwag , Bert . Pinigilan ni Juan ang kasama . Hindi ka nila papatayin . Tingnan mong liyabe de mano sa kanilang kamay . Bubugbugin ka lamang , at kaya mong lumaban . Kung ta...
null
null
null
null
null
206
null
transcribed
fil
206
97ee55232148b4945a1fdbe0e90a9ac4
null
transcribed_000891_be66133f
Nguni 't papuri at paghanga ng mga maliliit . Ang mga maginoo at malalaki na nabihasang sila lamang ang igalang at pintuhuin , ay nakasisinag ng panganib sa nangyayari . Agad nilang sinapantaha na nakukubli sa gayong pagbabait-baitan ang kagahamanan sa pagdakila , ang lihim na imbot na makaakit ng maraming kabig sa ayw...
null
null
null
null
null
221
null
transcribed
fil
221
a7cac1e5510c87f1b852b8c20910994b
null
transcribed_001208_34953484
Naging konsehal siya ng Maynila mula 1912 hanggang 1919 . Pagkaraay nahalal siyang senador ng Ilocos noong 1922 . Ganap siyang tumiwalag sa pulitika makaraan ang isang atake sa puso noong 1929 . Namatay si De los Reyes noong Oktubre 10 , 1938 samantalang umaabot na sa bagong antas ang kilusang paggawa sa pamumuno ng is...
null
null
null
null
null
228
null
transcribed
fil
228
38a7230dd518e38289cdc8e459f59438
null
transcribed_002503_6d9ddc24
Sinumang masabihang isip-niyog ay maaaring masaktan kapag sinangguni ang bugtong hinggil dito . Ang epektong mala-salawikain ay mas malinaw na mapapansin kapag binalikan ang bugtong sa Hal . 24A hinggil sa dayami : Nang walang biring guinto , doon nagpapalalo ; nang magcaguinto guinto , doon nanga songmoco . Ang buong ...
null
null
null
null
null
215
null
transcribed
fil
215
7de13d1345c10caeac5218372f1b4384
null
transcribed_001958_74feca32
Kumusta si Lolita sa Maynila ? Mabuti at hindi naman nagkakasakit , lagi nang ikaw ang sinasabi sa akin eh ! Anong buting kaibigan ng iyong kapatid ! Kaya ako naparito ay upang makiusap sa iyo kung maaari Ano ang aking maipaglilingkod ? Maigagawa mo ba ako ng isang sumbrerong katulad ng iyong ipinaalaala kay Lolita . T...
null
null
null
null
null
203
null
transcribed
fil
203
8ca0f761250ebd405a5b0ddfd7248841
null
transcribed_003710_527743dd
Panitikan Para sa Masa Mula sa Labanan sa Mendiola hanggang sa deklarasyon ng batas militar , naging pangunahing layunin ng pagsulat ang paghuli sa pusot kalooban ng masa - ng nakararamit maralitang sambayanan . Isang salita itong kung bagamat hiniram na noon pa mulang Espanyol ay mas naging popular at ginamit nang may...
null
null
null
null
null
204
null
transcribed
fil
204
8e8d14e4856c6c8b39efa13c1f179446
null
transcribed_008606_25b8d208
Gayong batang-bata ay nabibitay . Kay ganda pa naming lalaki Kayat kahit na pagbawalan ng Kapellan , ay lalo pang gumawa ng ingay ang elektrisista . Pinaugong ng mabuti ang aparato upang masubok kung nasa mabuting kalagayan . At pagkatapos ay nakatawang hinarap ang bantay . . Pinalitan ko ng mga possible at nilakasan k...
null
null
null
null
null
208
null
transcribed
fil
208
ac996ea9735b94d884e465a75cb4c649
null
transcribed_001923_069742d8
Sa mga tinginan din . nila at sa mga pagnamnam sa mga gayong bigkas ay malinaw nilang napag- unawa , na si Modesto 'y makapupong marahil higit sa kanila ay nakakadama ng tunay na karwiran , bagama 't siya 'y pinakabunso lamang nila kung baga sa magkakapatid . Noon di 'y muling bumadha sa loob ng bilangguan ang ganap na...
null
null
null
null
null
208
null
transcribed
fil
208
6a204c29f6060cb5c0900509363d2d18
null
transcribed_008175_31015b8c
Umaasa pa nga ako makakatungtong din sa Maynila ; ang Mestra ay gayon din naman . At ang lalo niyang ikinapapanibulos ay sapagkat di raw ako totoong mahihirapan ng pagaaral sa Maynila at di na naman pagkakagugulang matagal . Handanghanda na raw ako , at wala na lamang kulang kundi pagsasanay at kaunti pang dagdag sa mg...
null
null
null
null
null
212
null
transcribed
fil
212
ceb3e4ebf400cdcc2c6c0e8e56c1687c
null
transcribed_005768_1cb24a04
Bat hindi ? maagap na sambot ni Donya Leona . Matuling tinuos sa isip niya bago hinarap si Blas . Tignan mo . Ang tatlumpung sakoy pitong daat limampung salop . Entonses , meron kayong dalawang salop sang-araw . Lilima kayoy nauubos ba nyong dalawang salop sang-araw ? Kalabaw , baka di na kain ang ginagawa nyo . Napata...
null
null
null
null
null
214
null
transcribed
fil
214
3bc9bd5dbd0b7b5ec6a4f42a2fa73b5c
null
filnet_novels_001731_e0fb2605
Hindi na inaba , bagama 't sa kanyang mga pagtitiis , bunga ng tapat na pag-irog sa binata , ay naparagdag pa ang nahalatang pagiibayo ng mga dalahin sa loob ng kanyang kasi . Ang katuparan ng gayong akala ng ama , araw araw ay hinahanap ni Celso sa mga pahayagan . Wala , hindi nalalagay . Hindi sasalang pinaglakuan la...
null
null
null
null
null
226
null
filnet_novels
fil
226
f79f6ff85f24fa182c3578c17e6c908b
null
transcribed_000987_4eb65777
Bata ka pa ! At lumabas na pagkatapos . Ipinalagay kong sa paglabas na iyoy pangungusapan si Isabel , kagagalitan , papaluin . Ang lungkot koy gayon na lamang . Ang hiya at takot ay magkahalong namugad sa aking dibdib . Bata pa raw ako ! Kay aga ko nga naman yatang magkasala ! Ngunit kasalanan kaya ang umibig ? Nang mg...
null
null
null
null
null
203
null
transcribed
fil
203
b0918688894ba62a3c388957b9fcc8c6
null
transcribed_003053_1a789ea8
Salamat pa , anila 't , may nakakakata-katabay sa mga kainitan ng kanilang ama . Ang katotohana 'y talagang nagayuma mandin ni Madlang-layon ang biyanan . Nasaliksik niya at nasilip pati kasuluk-sulukan ng loob ni Don Ramon . Yaong mga bagay na dating sa lalamunan man yata ay hindi pinamamalayan ng matanda ay nangyarin...
null
null
null
null
null
297
null
transcribed
fil
297
74b62e90cf6f9e87e32ede0224c44179
null
transcribed_007924_82cd3eaf
-Huwag kayong gumigigigi at tila pumapanhik na , buksan ninyo ang pinto at sasamahan ko si mang Pakito sa aking silid . Ngunit oh , heto na ! sa pintuang munti sa likuran ninyo paraanin at papaglagusin ninyo sa komedor ; sasalubungin ko siya roon . At patiyad na tumakbo ang kasapakat na alila . Ang dalaway walang inaks...
null
null
null
null
null
211
null
transcribed
fil
211
db39c9bf336a6a6ed0fc90eba53af10a
null
transcribed_006381_5fdb3a43
Ang lalamunang humihingi ng tubig ? Ah , hindi pa lamang kayo dumaranas ng gaya ng dinaranas ko . Si Mauroy nagngalit . Ang americanong aking sasamahan sa pakiramdam koy mabuti ang patuloy ni Galit salamat ! Nakatagpo rin yata ako ng isang bagong Kristong manunubos ! Huwag kang padala sa simbuyo ng inyong kalooban . Si...
null
null
null
null
null
231
null
transcribed
fil
231
ff7f9127bd39d063c604248d2d5894fe
null
transcribed_001511_61d30fb7
Maliliit pa kamiy nagkaroon na ako ng di karaniwang takot sa kanyang mabalasik na ugali , kung kayat nitong kunin nga ako sa kolehiyot kaladkarin sa karumal-dumal na kagagawan , ang sigaw ng aking budhim ang pagtutol ng aking kahinubong bait , ay parati na lang na nilunod sa mga sariling bunting-hininga at paghihinagpi...
null
null
null
null
null
233
null
transcribed
fil
233
bb07009b0b4f33a9daeb9625222102b7
null
transcribed_001357_4d7373bb
Ang sumbat na ito ay sinabayan ng pagtataas ng dalawang bisig , gayon din ng tila mga kislap ng apoy na nagmula sa mga matang bulagaw . Kinasinagan din sa wakas ng kanyang mga ibig sabihin ang mga pangungusap na yaon ng kanyang kaibigan . At siyay nakapag-ukol ng gayong panunumbat , pagkat hindi raw nararapat , na pagk...
null
null
null
null
null
201
null
transcribed
fil
201
1e4499edad605e483c253e59e36174c1
null
transcribed_003516_ee936b0e
Mas marami rin siyang halimbawa at sadyang malaking tulong sa mag-aaral ang iniukol niyang panahon sa pagsasaliksik ng mga karaniwang problema hinggil sa hati at pagtitipil . Ngunit pagdating sa ikalawang bahagi ng aklat , naging malabo ang teoretikal na talakay hinggil sa ibang sangkap ng tula . Mahirap halimbawang li...
null
null
null
null
null
203
null
transcribed
fil
203
45fc338b533347b9111438c8a533afe4
null
filnet_novels_002851_9c76d1f5
Hindi na umimic ang lalaki , at napagwari ng babae cung alin ang pangpahina sa canya ng loob . Hindi nalao 't ang isip niya 'y siya 'y nagdadalang tao na , at canyang ipinamalita ang gayong bagay sa lahat ng canilang mga caibigan : Ac at si de Espadaa 'y cami pasasa " Peinsula " sa buwang darating ; aayaw acong ipangan...
null
null
null
null
null
257
null
filnet_novels
fil
257
e2f399c669a6176dc51f296c61d6bf87
null
transcribed_007702_534891d3
Sa gabing iyoy kakausapin niya si Rosa at titiyakin din naman dito kung ano ang tunay na uri ng kanyang kapalarang ipinaghihintay ng tangkilik ng babaen kailan may hindi niya lilimutin . Gayon nga ang nangyari . Sa mga unang tugtog , si Florita ang kanyang naisayaw at pagkaraan nitoy humanap siya ng pagkakataong makala...
null
null
null
null
null
206
null
transcribed
fil
206
d1eb614f2189986ee20579957d7e0151
null
filnet_novels_000581_90697dea
Nakatupad na naman ako eh ... Nakatupad daw ! Di ba 't hayan : inubos ko ang lahat ng hiningi ninyo : tsokolate , hamon , tinapay ? At sa ganya 'y nakatupad na ! Ay ano pa ang inyong ibig ! May isa pang bagay sana , aling Teang ... Na ano po ? Huwag na tayong magpupuan mula ngayon ... Aba ! Magikawan na lamang tayo . S...
null
null
null
null
null
209
null
filnet_novels
fil
209
b38a0099ad26cccb354814f62ebb1346
null
transcribed_002938_f07901be
Kung timbangin niya sa gunita at pagbulaybulayin niya sa kanyang diwa ang dalawang larawan , isa , si Pasing , ang dalagang umaasa na sa kanya , anak ng isang magasawang mariwasa , laki sa sosyedad , kilala sa mga lipunan , at ikalawa , si Naty , isang dalagang I pa niya gaanong nakikilala , anak ng di niya kakilalang ...
null
null
null
null
null
224
null
transcribed
fil
224
8867d6e9363e77fc28ac9a41857e3385
null
transcribed_003230_892e78a7
Ang malayang taludturan naman ay hindi nagpaging-makabago sa pagtula nina Aniceto Silvestre at Galen Topanio-Manalaysay . May mga paksa namang tulad ng pag-ibig ( pag-ibig man sa isang indibidwal o sa bayan ) na maaring makabago o makaluma . Ang labis na pagbibigay-diin naman sa anyo o sa nilalaman ay maaring humantong...
null
null
null
null
null
219
null
transcribed
fil
219
ea88a36b49310708d917d70adecd4e33
null
transcribed_000026_b17d92b7
Ano nga kaya ang maaaring nangyari ? Wasak na kaya ngayon ang wikang pambansang batay sa Tagalog at napalitan na ito ng isang wikang creole ? Naging Spanish creole or English creole kaya itoisang wikang bastardo na hindi maituturing na sariling atin ? At kung sakaling nagkagayon , hindi kaya hanggang sa wika ay mamanah...
null
null
null
null
null
219
null
transcribed
fil
219
2d5c76d5e3864ea8b08359c355a8dc0e
null
transcribed_000302_bb1f039e
Mangyari pa , laging panalo ang mga Kristiyano , kaya nagpabinyag na ang lahat sa India . Hindi nakapagtatakang mahalina ang mga misyonerong prayle sa Barlaan at Josaphat . Hindi bale nang hindi totoong naging Kristiyano ang India . Hindi bale na wala ring wala pang natatagpuang kasulatan na nagpapatunay na may mga tao...
null
null
null
null
null
200
null
transcribed
fil
200
fe6fbad3f438362880da2d7a0157c675
null
transcribed_006159_790e4c92
Tumalagang nakipagmatigasan sina Don Severo at Donya Leona sa matwid na hindi ila magugutom kasakdalang gubatin ang kanilang mga sakahan . Gayon din naman sina Tasyo at ibang kasama , sa pagsasabing sanay silang magutom , palibhasay magsakat hindi silay walang kaluwagang natatamo sa ilalim ng siking pagsasamahan sa buk...
null
null
null
null
null
225
null
transcribed
fil
225
35586d18bf3841d4836288d65fdf0fff
null
transcribed_001191_acb0842f
At ang nasabi na lamang-ipagpatawad mo na di ko matanggap ang iyong ala-ala sa akin . Bakit ? Iyan ay di ala-ala ng isang mahirap ; may sapantaha akong Na ano ? Maaaring . Natigilan ang pulubi , samantalang sa budhi ni Mameng ay lalong nagtitibay ang maling sapantaha na ang ala ala ni Ramon ay di mabuti ang pinanggalin...
null
null
null
null
null
209
null
transcribed
fil
209
0b4915f39fc86aa89b29d678d335bfd8
null
transcribed_007149_5a7e8938
MGA LATHALAIN ng PAMBANSANG KOMISYON NG IKASANDAANG TAON NI JOSE RIZAL MGA AKDANG PAMPANITIKAN MGA TULA NI JOSE RIZAL IKATLONG TOMO Unang Aklat Tinipon at inihanda ng Lupon ng mga Tagapagsalin sa Wikang Pambansa MAYNILA PAMBANSANG KOMISYON NG IKASANDAANG TAON NI JOSE RIZAL 1961 PAMBUNGAD BOONG puso naming inihahandog s...
null
null
null
null
null
238
null
transcribed
fil
238
4734378c0315807536d48c15d21fca3c
null
transcribed_004153_0967bf2e
Pamaya-maya , nakita niya ang kotse , buhay ang dalawang ilaw na papalabas sa garahe . Pagkatapat sa pintuang bakal , sumakay ang babae . Tumakbo ang kotse . Marahan . Nagtumulin . Hanggang sa ang sinag ng dalawang malalaking ilaw nito na natatanaw niyay unti-unting lagumin ng kadiliman sa daan . Ang malakas na ulan ay...
null
null
null
null
null
200
null
transcribed
fil
200
4f29e065facffc25f445ada8dfe161fe
null
filnet_novels_002738_f82025b3
Datapuwa 't pr Damaso ! Ang laht ng mga huguing iyng napapasa Europa 'y .... Ngun 't pakinggan p niny ! Magcacaroon sil ng wacs ayon sa canicanilng carapatnang ipinagpatuloy na pr Dmaso ; nkikita sa calaguitnaan ang camy ng Dios , kinacailangang maguing bulg upang huwag mmasdan . Tumatanggap na sa bhay pang it ang mga ...
null
null
null
null
null
203
null
filnet_novels
fil
203
6be0968c5e14b4adec5e93219a73386f
null
transcribed_002438_d718c058
Ang pagtawa , nakatawang sagot ni Juan , ay isang bagay na kung maaari e ayokong maalis sa mukha ko . Gusto kong mamalaging bata , sa puso at sa katawan . Tignan mo si Steve , at bumaling si Juan kay Steve , mukhang matanda na sa kangunguto . Ang mukha e parang palaging pinigaan ng kalamnsi . Lahat ng mata ay napabalin...
null
null
null
null
null
204
null
transcribed
fil
204
46c81f52fdc13187c4b1c2a1a8e1f0aa
null
transcribed_004237_49a81f1d
Ngunit hindi ako nakaalis sa paaralan . Sa oras ng pagbitay kay Boy ay may klase ako . Nang una , inisip ko sanang dalhin sa Bilangguang Pambansa ang aking klase sa sikolohiya , yamang sasampu lamang naman ang estudyante ko roon ; maaaring sumulat sila ng mga tala ukol sa mapapansin nilang reaksiyon ng bibitayin at mai...
null
null
null
null
null
205
null
transcribed
fil
205
309037828d95c61a8fc486008d2344a5
null
filnet_novels_001019_0cbcee9b
Nguni 't siya 'y hindi tinantanan ng babayi , kinaladkad na walang bitiw , hangan sa humilahod sila kapwa sa gitna ng daan gawa ng malalakas na pagpupumiglas niya . Makita ito ng mga civil , ay nagsilapit at siyang nakialam agad . Sa mga walang lagot na sumbong ng babayi na naglulumuhod sa mga harap nila ay natalos , n...
null
null
null
null
null
202
null
filnet_novels
fil
202
08fcdf1a91d61a5a03a08576bcfb8e1c
null
transcribed_004428_8300aa0a
Madalas nang naririnig na usap-usapan sa lugar na yaon : sa isang umaga lamang na magsara ang mga panaderyang Intsik sa lungsod , ni isa mang pirasong pandesal ay wala nang matitikman ang mga tagaroon . Ngunit hindi lamang ang mga taong mamimili ang nanganganib sa gayong kalagayan , sapagkat maging ang mga manggagawa s...
null
null
null
null
null
200
null
transcribed
fil
200
d23b4458bf017641e8fe1c4b1636378c
null
transcribed_000985_1158d608
ang pamangha kong tanongibig mo na bang akoy mamatay Aba ! hindi iyan ang ibig kong sabihinat muling inihagod sa aking noo ang kanyang palad . Pinagmasdan kong maigi ang mukha ni Isabel . Nabakas ko roon na siyay nasisiyahan , bagaman ang mukha niyay tila nangungulimlim . Mamaya ay mabuti ka na ! Aywan kung sa atas ng ...
null
null
null
null
null
204
null
transcribed
fil
204
e6b4abf061f77763060d2a2f1a7f1e62
null
transcribed_005157_a7d864cd
Elehiya sa Isang Rebelde I. Ang Huling Martsa Sakay ng kastanyo , binalot sa sakot Duguang katawan ay pagpupugayan Ng anak ng lupat kapwa proletaryo Sa nayon at bukid na mapagdaanan . A t walang tataghoy na mga kampana Ni luksang kaanak na magsisitangis ; Bagkus sa pagtining ng dasal at luha Ay may alinsangang dadarang...
null
null
null
null
null
203
null
transcribed
fil
203
e45ce06e8f32ce65c9c253757b1675a1
null
proj_gutenberg_000338_9186cd21
Ng upang malinis paraang gagauin Romeo 'y sa dusa at nasang sapitin , dalaua ngang bagay Julieta 'y taglayin : ang tapang sa loob at sinop sa lihim ; Pagcat hindi lason nasang ipagcaloob sa linao na sabi sadiang pampatulog , sino man sa lupang sanay na mang-gamot hindi sasabihing buhy macalagot . Sa lacas ng pulbos sa ...
null
null
null
null
null
201
null
proj_gutenberg
fil
201
ccb6d6a7a01353555e943b3dc1ca9e11
null
filnet_novels_002308_53916d54
Isng lalaki lamang ang tila mandin hind dumaramdam ng canyng maningnng na akit : it 'y isng bat pang franciscano , payt , nannilaw , putlin , na tintanaw na d cumikilos ang dalaga , buhat sa maly , cawngis ng isng esttua115 , na halos hind humhing . Datapuwa 't hind nakikita ni Ibarra ang laht ngit : napapagmasdan ng c...
null
null
null
null
null
206
null
filnet_novels
fil
206
9eb9925c62cfaece47a84aafe9c71899
null
palito_001232_e53a6bdb
22 Kinabukasan napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na dati 'y walang ibang bangka doon kundi isa lang at hindi sumakay sa bangka kasama ng kanyang mga alagad si Jesus kundi ang kanyang mga alagad lamang ang magkakasamang umalis . 23 May iba namang malalaking bangkang galing Tiberias na dumating mala...
null
null
null
null
null
201
null
palito
fil
201
1eca2371d95e3d5f3d810b9abd910cf3
null
transcribed_002766_a986b5a2
Sila lamang ang tao sa silid . Si Bert ay dumalaw sa katipan , si Ed ay umalis , si Danilo ay nag aaral ng leksiyon sa silong . Umupo si Juan sa tabi ng bintana at nakatawang tumingin kay Steve . Maluwag sa loob kong maipamimigay ang piso ko sa bulsa , ani ni Juan , malaman ko lang ang iniisip mo , Steve . Bahagyang ni...
null
null
null
null
null
210
null
transcribed
fil
210
bb5204ea22de9a0f27214382545ad0a7
null
transcribed_009467_58a46000
Sa kapirasong pagkakamali ng hakbang , sa isang malawak na pusalian ako dadamputin . Ayaw kong maligo sa kanal . Para talagang radiong naiwang bukas ang looban . Umagang-umagay may dulang nagaganap . ( Tapos na kangina pa ang serye ng dramang-buhay ko . ) Sa lahat ng nakikita at naririnig , si Boy ang matiyaga kong ann...
null
null
null
null
null
209
null
transcribed
fil
209
98b266ad6e52c10f586305c3be376dab
null
proj_gutenberg_000752_cb0814b6
Wala na ang kababaihang tagalog na nagpapakamatay sa puri at kahihiyan . At siyang totoo ! Ay ano na kung siya 'y pakausigin , kung malaman man ang kaniyang tinataglay , kaya nama 'y pagkaitan siya ng mana ? May kasintahan siyang manunulat ; may irog siyang magbabangon ng kaniyang kapurihan , at may magiging kabiyak ng...
null
null
null
null
null
207
null
proj_gutenberg
fil
207
70e2cb82ccc1b2f2faaef52f708ed392
null
filnet_novels_003993_dc88b67d
Sa makatid ipinasya ng siya 'y namatay ; nguni 't ng siya 'y magtatalon na nga ay biglang napigil ng isang kamay na nangangatog siya 'y biglang napalingon at si Tik ang kanyang nalingunan ; ang makapangyayari sa pulo . Ano ang ibig mo sa akin ? ang sinabi . Ang reina 'y tumugon ng buong kasiglahan loob at magiliw , ipi...
null
null
null
null
null
224
null
filnet_novels
fil
224
95944fd6231cca89df7a6bacfa60cff8
null
transcribed_002118_2f3e97b0
-Alam mo ba , ate , -ang tawag ni Trining sa kapatid , -ang sinabi ni Rizal sa kanayng Noli Me Tangerena ipinagkaloob sa bibig pa naman ng isang Fray Damaso na ang wikay Anak ko , hindi mo lamang nalalaman ang mga hiwagang nasa sa loob ng mga kumbentong iyan ! Higit ko pang nanaising makita ka rito sa labas na naghihir...
null
null
null
null
null
201
null
transcribed
fil
201
958d1f7b9f9b6c33f35b31eaecca1bad
null
filnet_novels_000899_c4bbe916
Nguni 't hindi lamang ang mukhang nalalarawan ang kanyang nakita ; sa dakong ibababa ng larawan ay may nakasulat na ganito : Sa iniirog kong Luciano na may-ari ng puso ko 't kaluluwa . Inang . Nang mabasa ang gayon , ay nagbuhol halos ang hininga ng ating dalaga , na biglang nalugmok sa isang uupan , at hindi napigil n...
null
null
null
null
null
204
null
filnet_novels
fil
204
de3f4790e6f6b67d89109f4bc8a69303
null
transcribed_002083_66747f1f
Ang bangkay kong ito ang natagpuan sa kangkungan May timo ng barbwayr ang bungo At pinamahayanng tulyat kuhol ang gulugod . Ngunit huwag tangisan ang aking kapalaran ; Higit sa marawal ang inyong paghihintay . Tingnan , naghihingalo ang lupa At ang nakararamiy maalam lang huminga Samantalang naghahari ang atas ng tiyan...
null
null
null
null
null
207
null
transcribed
fil
207
cafd9a2bab546201338568f2a8b35046
null
transcribed_000119_2c9c8c1d
Lumibis tayong sumandali at subukan natin ang paguusap ni Mario at ni Mercedes sa lilim ng isang malagong puno ng mangga . Hindi ko maalaman Mario ang nangyayaro sa atin Damdam ko bay walang wala sa loob mo ang pag-ibig sa akin Bakit ka nagsalita ng gayon ? Sapagkat ikaw ay laging matamlay . Utang na loob ay huwag ka s...
null
null
null
null
null
206
null
transcribed
fil
206
44633922670a4d18fffd4866d34cb47d
null
transcribed_001838_9afb1161
Ngunit tumutukoy din ito sa tuwana hindi kailangan at sumisira sa katawan at katauhan gaya ng bisyo at iba pang ipinagbabawal ng Kristiyanismo . Isa sa mga tuwa na pinuntirya ng mga misyonero ay ang pag-inom ng alak . Napakahilig diumanong maglasing ng mga katutubo . Ayon kay Artieda , Nabubuhay ang mga katutubo sa pam...
null
null
null
null
null
220
null
transcribed
fil
220
1fd4d709ab834f2829474ed762e1b8bb
null
transcribed_000423_c2ff6e5c
Ngayoy maglilimang taon na halos na di ko man nasisilayan . May nagsasabing lumipat na ng tahanan kung saan saan . Ang anak kong babai marahil ay makasinggulang mo na ngayon . At kung hindi pa nagsasawa ay marahil isang dalagang walang kasngningning kung sa kagandahan . -Hindi nap o ba nabalitaan ninyo sila ? ang tanon...
null
null
null
null
null
219
null
transcribed
fil
219
13ea51d0d07f52b4d8b9d1b229a7294a
null
transcribed_007884_af39705f
Natatandaan ko pang ang istoria naming niyan ay nagsimula sa isang sayawan sa bahay ni Tiburcio ; si Rufo ay wala noon . Napansin kong sa tuwing magtatama ang aming mga mata ay tinatapunan ako ng matatamis na ngiti na sinasabayan ng pagpapapungay ng matang sa akiy itinitin . Siya namay nginingitian ko . Sabihin pa , ak...
null
null
null
null
null
216
null
transcribed
fil
216
9880a0cf267d10f7b21819a656bbc62e
null
filnet_novels_001644_a90da9b6
Siya 'y amoy alak at marahil pa 'y lango . Sumigaw ako , napasaklolo at humingi ng abuloy , nguni 't walang lumalapit sa akin , samantalang dinadahas naman ng lalaking nasok sa aking silid . Panibagong pagkasawi na naman ang naparagdag na ito sa aking mga pinapasan . Litong lito ang isip ko at hindi mapaniwalaang ako '...
null
null
null
null
null
222
null
filnet_novels
fil
222
dc27971c8cebf6baac1d9abafc6ec965
null
transcribed_006449_44bdaaf9
Hintay ka muna ! . ay ! Wala nang mangyayari ! Tumutol at umiyak sa harap ng kumukulong galit ng isang pusong ulol sa panibugho ay katulad ng sumugba sa nagaalimpuyong apoy na sumusunog Ibig kong pakinggan mo muna ako ! Ang hinihingi kong paliwanag ang iyong ibigay sa akin . Hintay ! Ayaw ka ? Ha ! Ha ! Ha ! Tumatawa l...
null
null
null
null
null
210
null
transcribed
fil
210
6da8e02418cafaa0c365d447a9b30592
null
transcribed_000275_5fdd8269
? Sana nga ... Nang makapagbihis na siya ng pangbahay ay saka lumapit kay Beatriz na noon naman nagbabasa ng isang lingguhan . Kay layo pala nito sa Maynila , ang wika ni Dolores . Oo , ngunit minsan sa isang buwan ay napaparoon kami ng aking kapatid na dalaga rin na kasama ng tatay . May kapatid ka pa pala ? Dadating ...
null
null
null
null
null
200
null
transcribed
fil
200
00eb12723743ef0e0a5bff0a7c1cd5ee
null
newspaper_fil_000630_a865f678
Ang P1.2 bilyon na pundo ay bahagi ng P10 billion fund na kasama sa General Appropriations Act of 2007 or Republic Act 9401 sa ilalim ng Calamity Assistance and Rehabilitation Effort ( CARE ) para sa mga biktima ng nakaraang bagyo . Samantala pinayuhan naman ni Budget Secretary Rolando Andaya Jr. ang mga Bicolanos na b...
null
null
null
null
null
218
null
newspaper_fil
fil
218
91afd058825b25724f5c78d6304a9930
null
transcribed_003450_f3ca7b8a
Nailunsad niya iyon nang maluwalhati pagkat sanay siyang gumawa noon . Ibig na ibig sana niyang kunin ing bangka , pagkat katwiran niyay maituturing na bapor iyon . Lehitimo ang gayong pagdarambong ng isang pirata , ngunit alam niyang hahanapin iyon , at baka matuklasan pa ang kinaroroonan nila . Bumaba siya sa pampang...
null
null
null
null
null
203
null
transcribed
fil
203
f1b634487173e1cd373e68f840834615
null
filnet_novels_003513_b88a11cb
Kaginsaginsay lumapit kay Maring ang isang lalaking may saluksok na revolver at sundang sa baywang . Ang lalaking ito ay bulag ang isang mata , ngunit yaong isa niyang matang natitira ay katimbang o mahigit pa kay sa dalawa , sapagkat lubhang malaki , matalas , madilat at halos nag-aalab . Pagkakita ni Maring sa lalaki...
null
null
null
null
null
205
null
filnet_novels
fil
205
0a3ebb5e61e9b1462403113506990a1c
null
transcribed_000082_96ef34d3
Hindi pala si Marcial ang gumuguhit ah , kundi si Anselmo ... Siya nga ! ang nakatawang tugon ng dalaga na nakatitig sa nagulat na binata . Ipagpatuloy ninyo ... Nais naming makita ang inyong pagguhit . Alam ninyo , sa kolehio ay iyan din ang aming pinag-aaralan , ang pag-aagpang-agpang ng kulay ng pintura . Nabuhayan ...
null
null
null
null
null
204
null
transcribed
fil
204
a7848a2be4e1cbad80dd951e228f5355
null
transcribed_000110_8fe97eb7
Kung marami ang pumupuna , lalo na sa panig ng mga magulang at katandaan tungkol sa ginawang paglapastangan at pagwawalang pitagan ni Anselmo . Luwalhati kay Don Bernardo , na , ayon sa kanila , ay hindi dapat asalin ng isang nag-aral pa naman sa harap ng maraming tao sa pagtitipong yaon , ay lalong marami rin sa panig...
null
null
null
null
null
217
null
transcribed
fil
217
091dc5b274bc07fb65a883128b900f9c
null
transcribed_001294_3b2bac31
Silang mga iginapos ng tadhana sa panaghoy . Silang mga itinakwil ng pag-unlad ng panahon . Papurihan natin ngayon ang lahat ng anakpawis ! Silang laging nakabuntot sa araro at kariton . Silang laging nakayuko sa ministrot emperador . Pagpugayan natin silang matiyagang bisig-bakal At matapat na umugit sa makina at kala...
null
null
null
null
null
208
null
transcribed
fil
208
79d84471b08d7efabbda45dbab2449d4
null
filnet_novels_004757_93415ca0
Isa pang tagumpay ang gayon ng mabubuting aral ng simbahan . Ang Compaia de Jesus sa mga gawaing ganito na ipinagkakapuring di sapala ng Diyos , ay karapatdapat na talaga sa kanyang mataas na uring taglay . Ganito ang paniniwala ng mga taong simbahan . Ngunit sa iba , lalo pa sa mga di naniniwalang ang tinatawag na mag...
null
null
null
null
null
211
null
filnet_novels
fil
211
649d8cfc2c626554b677ea95778863cc
null
transcribed_006257_832739c8
Si Mauro ang kalihim ng tinurang kapisanan . Nang nangakaupo na ang mga bagong dating , si kabisang Leon ay dili ang hindi nakapagukol ng ilang paggugunita sa kaibahang kilos ngayon ng kabinataan , kay sa noong siyay bagong tao pa . sa maaliwaslas na noon ng kaniyang mga kaharap ay waring na baasa ang isinusulat ng mga...
null
null
null
null
null
209
null
transcribed
fil
209
315aecb6c2692732471c8473724e1c27
null
transcribed_000714_d62fa8d0
Ano ang iyong niloloob ? Huwag mo sana akong hapisin , Elena ang sabi pa ni Jacinto ng boong pagsamo . pasasaan ba ang lahat ng iyan ? ; ani Elena pagkatapos makapagbuntong hininga ng malalim , at ang nanginginig na sinabi : hintin mo nang dumating Jacinto , ang ating dakilang araw . Dakilang araw ? ang dagling sambot ...
null
null
null
null
null
209
null
transcribed
fil
209
508ed51dbff893ae7965d6ee02b2df25
null
transcribed_001779_c5c53148
Kung sa mga daang nilalakaran mo , may puting bulaklak ang nagyukong damo na nang dumaan ka ay biglang tumungo tila nahihiyang tumunghay sa iyo ... Irog , iyay ako ! Kung may isang ibong tuwing takipsilim , nilalapitan ka at titingin-tingin , kung sa iyong silid masok na magiliw at ikawy awitan sa gabing malalim ... Ak...
null
null
null
null
null
230
null
transcribed
fil
230
11624c64d6e10b6e0f7fb54565564cbe
null
transcribed_000431_7efe5b00
Isang lalaking payat na payat na , nakagapos ang dalawang kamay at sa paay may nakagapos na tanikala . Napalugmok ang dalawa nang makita ang gayong anyo . -Asawa ko ! Aking ama ... ! - ang kapuwa nasambit na ikinalingon ng kaawaawang bilanggo . -Diyos ko ! Si Petra ! Si Floring ! ang humuhingal na nasambit ng bilanggo ...
null
null
null
null
null
205
null
transcribed
fil
205
9e5c927ef5c3053f482598eb05c0022d
null
transcribed_002357_d3d860a8
Nang dumating sila sa lobby ng auditorium , napansin ni Juan na bahagyang yumuko sa paglalakad si Connie at tinakpad ng palad ang pisngi na waring itinatago ang mukha sa nakakita . Nakangiti , lumakad nang tuwid at tasa noo si Juan . Talagang sinadya niyang magkamisatsino upang subukin kung hanggang asan tatagal ang pa...
null
null
null
null
null
203
null
transcribed
fil
203
b7b477fcb73ee9ba85819a5d65d55329
null
transcribed_003579_702413ea
Sa wakas , hindi na makahakbang sa pagod si Becky . Naupo siya . Tumabi sa kanya si Tom . Pinag-usapan nila ang kanilang mga tahanan , mga kaibigan , ang malalambot na higaan at higit sa lahat , ang liwanag . Umiiyak si Becky . Si Tom naman ay umiisip ng ibang paraan upan ? aliwin ito , ngunit nawalang-saysay ang lahat...
null
null
null
null
null
208
null
transcribed
fil
208
6715b03fa6353be4683bbb1148377ea0
null